Kolektor ng lending firm sinunog nang buhay
Habang naniningil ng pautang
NORTH COTABATO , Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 22-anyos na kolektor ng lending company makaraang silaban nang buhay habang lulan ng motorsiklo ng mga hindi kilalang suspek sa Sitio Kiatoa, Brgy. Lanao Kuran, Arakan ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng Arakan Police ang biktima na si Jeric Uyanguren Ferolino, collector ng ASA Lending Company at residente ng Tagum City.
Batay sa ulat, nasa lugar ang biktima upang maningil sana ng mga pautang ng kanilang kumpanya, pero bigla siyang kuyugin at silaban kasama ang sinasakyan nitong motorsiklo ng ‘di pa nakilalang mga suspek, dakong alas-3:00 ng hapon.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kung may kinalaman sa kanyang sinisingil na mga pautang ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Humihingi naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.
- Latest