^

Probinsiya

Mister kinatay sa harap ng misis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TINAMBAC, Camarines Sur , Philippines — Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 68-anyos na mister matapos na pagtatagain ng kanyang kainuman sa harap mismo ng kanyang misis sa kanilang bahay sa Zone-8, Brgy. Bagacay sa bayang ito kamaka­lawa ng gabi.

Duguang bumulagta sa harap ng kanilang bahay ang biktimang kinilalang si Emilio Bajar Cornello habang patuloy na tinutugis ang tumakas na suspek na si Joseph Alvarez, 40-anyos, binata at reaidente ng Zone-8,Brgy.Mananao.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nag-iinuman ang suspek at biktima sa bahay ng una. Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahilan para kumuha ng itak ang suspek at hinabol ng taga ang matanda na tumakbo patungo sa kanilang bahay.

Sinundan hanggang sa loob ng kanyang bahay ang biktima at nang maabutan  ng suspek ay walang awang pinagtataga na agaran ikinasawi ng matanda.

BAGACAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with