Jeep hulog sa bangin: 11 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang 11 katao na magkakamag-anak matapos mahulog ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa may 20 metrong lalim na bangin habang bumabagtas sa bulubunduking daan ng Barangay Bashoy sa Kabayan, Benguet noong Martes ng gabi.
Ayon kay P/Lt. Roque Sagun, hepe ng Kabayan Police Station, nawalan ng kontrol sa sasakyan ang drayber ng jeepney na si Milbon Socte, 32-anyos, habang bumabagtas pababa sa maputik at madulas na kalsada bago ito nahulog sa bangin dakong alas-6:00 ng gabi.
Ayon sa report, isinugod sa Dennis Molintas District Hospital si Socte at pitong pasahero nito habang at tatlo na bahagyang nasugatan at nagtamo ng bukol ay nilapatan ng lunas sa Kabayan Rural Health Unit clinic.
Ayon kay Sagun, pauwi na sa Poblacion ang mga biktima mula sa dinaluhang kasalan nang maganap ang sakuna.
- Latest