^

Probinsiya

'Peasant advocate' priest patay nang paputukan sa Bukidnon

Philstar.com
'Peasant advocate' priest patay nang paputukan sa Bukidnon
Litrato ni Fr. Rene Regalado na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin nitong Linggo, ika-24 ng Enero, 2021
Released/Diocese of Malaybalay

MANILA, Philippines — Wala nang buhay nang matagpuan ang mga labi ng isang paring kilala sa kanyang mga adbokasiya sa probinsya ng Bukidnon, habang duguan sa labas ng kanyang sasakyan, Linggo.

Ang malagim na balita sa pagkamatay ni Fr. Rene Regalado ay kinumpirma ng Diocese of Malaybalay sa isang social media post, Lunes.

"Initial information gathered revealed that at around 7:30 in the evening of January 24, 2021, gunshots were heard at the road near the Malaybalay Carmel Monastery in Pal-ing, Patpat, Malaybalay City which prompted the priest at the Monastery to call for police assistance to verify what had happened," ayon sa statement ng diyosesis.

"Fr. Regalado’s car indicated that he was going back to the St. John XXIII College Seminary where he was staying. He was in the city in the afternoon, meeting someone whom he did not indicate when he informed his companions at the seminary before he left at around one o’clock in the afternoon."

DIOCESE OF MALAYBALAY - OFFICIAL STATEMENT ON THE UNTIMELY DEATH OF OUR BROTHER, REV. FR. RENE B. REGALADO The Diocese...

Posted by Diocese of Malaybalay at 50 - Official on Sunday, January 24, 2021

Ayon sa hepe ng Malaybalay police na si Col. Jerry Tambis sa ulat ng ABS-CBN, tinitignan pa kung may kaugnayan sa kanyang laban illegal logging ang pamamaslang.

Hatinggabi kanina nang datnan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay, hanggang sa kunin ng Villanueva Funeral Homes.

Magsasagawa na rin daw ng autopsy ang SOCO Regional Office sa katawan ngayong araw habang dadalhin ang kotseng gamit ni Regalado sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Malaybalay City para sa imbestigasyon.

"We request everyone to offer prayers for the repose of the soul of Fr. Rene B. Regalado, for the consolation of his immediate family and the Clergy, for the immediate results of the investigation and that justice will be served to whom it is due," patuloy ng Diocese of Malaybalay.

Kinukuha pa ng PSN ang panig ni Police Regional Office-10 regional director Brig. Gen. Rolando Anduyan hinggil sa insidente ngunit hindi pa nagpapaunlak sa panayam.

'Kakampi ng magsasaka'

Kinundena naman ng ilang progresibong religious organizations ang pagpaslang kay Regalado, na kilala raw sa kanyang pakikibaka kasama ng sektor ng mga magbubukid.

"Nakilala si Fr. Rene sa tawag na 'Paring Bukidnon' (Mountain Priest) dahil sa kaniyang mga adbokasiyang hinggil sa organic farming at pagsama sa mga panawagan ng mga magsasaka," ayon sa Student Christian Movement of the Philippines (SCMP)-Cavite State University.

"Maaring kinokondena ng [SCMP]- CvSU ang halang na pagpaslang kay Fr. Rene at kaisa sa panawagan para sa agarang pagkamit ng hustisya. Ang kultura ng karahasan sa bansa sa kahit ano mang sektor ay hindi katanggap-tanggap lalo na silang mga tagapagtaguyod ng mga panawagan at karapatan."

Nakatakdang iburol ang labi ng pari sa San Isidro Labrador Cathedral, Malaybalay City at siyang ililibing ililibing naman sa Malaybalay Catholic Cemetery.

Tinitiyak naman ng mga taong Simbahan na susundin ang health protocols sa kanyang burol sa gitna na rin ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. — James Relativo

BUKIDNON

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

MALAYBALAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

STUDENT CHRISTIAN MOVEMENT OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with