^

Probinsiya

Empleyado ng Fishery nahulog sa puno, patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Empleyado ng Fishery nahulog sa puno, patay
Nadiskubre ang bangkay ng biktima nang lumutang na ito sa palaisdaan dakong alas 6:30 ng gabi.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nasawi sa pagkalunod ang isang kawani ng Provincial Fishery Station matapos mahulog sa puno ng bayabas at dumiretso sa maburak na fish pond sa Brgy. Centro, Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng Pulisya ang nasawing kawani na si Jaime Casil.

Ayon sa report, nangyari ang trahedya habang nagbubunot ng damo si Casil sa gilid ng palaisdaan.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima nang lumutang na ito sa palaisdaan dakong alas 6:30 ng gabi.

Teorya ng mga imbestigador, natuksong akyatin ng biktima ang mga bunga ng punong bayabas nang mabali ang kinapitan nitong sanga saka nahulog at lumubog sa tubig nang walang nakapuna.

Base sa pagsusuri ng Municipal Health Office sa pagkalunod ang ikinamatay ni Casil at pawang hindi ito sanhi ng foul play.

CASIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with