^

Probinsiya

P6 bilyong pondo ng Bulacan para sa 2021, inaprub

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pinagtibay na ng Sangguniang Panlalawigan ang anim na bilyong pisong badyet ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa taong 2021.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, po­pondohan ng nasabing halaga ang mga tinukoy na prayoridad sa ibina­langkas na Provincial Development Plan.

Pinakamalaking paglalaanan ng pondo ang sektor ng social services kung saan nakalinya ang mas pinalakas na pagtugon laban sa pandemya ng COVID-19 partikular ang patuloy na operasyon ng Bulacan Infectious Diseases Control Center, Bulacan Molecular Diagnostic Testing Laboratory, Gene Expert Laboratory at ang pagbubuo sa Provincial Contact Tracing Team.

Ang Local Disaster Risk Reduction Management Fund ng Kapitolyo ay nasa P282.9 milyon, P146 milyon para sa iba’t ibang proyektong pagkalinga sa mga mahihirap na Bulakenyo na ipinatutupad ng Provincial Social Welfare and Development Office at P86 milyon para sa Provincial Health Office.

Sa ipinasang pondo, ayon kay Provincial Budget Officer Francisco De Guzman magmumula ang P4.1 bilyong Internal Revenue Allotment mula sa Department of Budget and Management at P758.3 milyong target na koleksiyon mula sa mga ipinaiiral na buwis ng Kapitolyo, alinsunod sa Provincial Revenue Code. Mayroon ding P419 milyon na inaasahan mula sa operating and miscellaneous revenue.

COVID-19

PONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with