^

Probinsiya

Ex-mayoralty candidate todas sa ambush, pamangkin sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-mayoralty candidate todas sa ambush, pamangkin sugatan
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Brig. Gen. Ronnie Montejo, kinilala ang nasawi na si Ruben Feliciano na dating sumabak sa mayoralty race noong 2019 pero natalo sa eleksyon, at isang kilalang negosyante sa lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinaulanan ng bala at napaslang ang isang dating mayoralty candidate ng San Fernando, Cebu habang nasugatan ang pamangkin nitong lalaki  sa naganap na ambush sa Lower Fulton Street, Brgy. Apas, Cebu City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Brig. Gen. Ronnie Montejo, kinilala ang nasawi na si Ruben Feliciano na dating sumabak sa mayoralty race noong 2019 pero natalo sa eleksyon, at isang kilalang negosyante sa lungsod.

Si Feliciano ay dead-on-the spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang sugatan namang isinugod sa pagamutan ang pamangkin nitong si Ken Feliciano, 30-anyos.

Bandang alas-6:30  ng gabi habang ang mga biktima ay naglalakad malapit sa kanilang apartment sa Blue Garden Residences nang tambangan ng limang mga armadong kalalakihan .

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari , sunud-sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar at nang duguan ng bumulagta si Feliciano na target ng mga salarin ay mabilis ang mga itong nagsitakas.

Ang mga suspect ay sumakay sa isang kulay puting van na walang plaka saka mabilis na tumakas palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ang cartridge ng hindi pa natukoy na kalibre ng ba­ril, 3-deformed na basyo ng bala, mga bala ng Glock pistol at 11 basyo ng hindi pa natukoy na uri ng armas.

SAN FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with