14 loose firearms isinurender ng local officials
MANILA, Philippines — Isinurender ng mga lokal na opisyal ng gobyerno sa tropa ng militar ang 14 loose firearms sa Pagalungan, Maguindanao kamakalawa.
Sa report ni Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., Commander ng AFP-Western Mindanao Command , ito’y bilang bahagi ng pagsuporta ng mga lokal na opisyal sa maigting na kampanya laban sa loose firearms o mga baril na walang lisensya.
“The firearms, which include two 5.56 M16 rifles, four M1 Carbine rifles, five cal .30 Garrand rifles, one 7.62 M14 rifle, and one shotgun MFTD 2GA-2 Chamber proof tested, were voluntarily surrendered by the locals from the different barangays of Pagalungan,” pahayag ni Vinluan.
Pormal namang tinanggap ni Brig. Gen. Roberto Capulong, Commander ng Army’s 602nd Infantry Brigade ang mga loose firearms na isinuko ng grupo ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod.
Sinabi ni Mamasabulod na ang pagsusuko niya ng nasabing mga armas ay patunay lamang ng kaniyang patuloy na pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa pagkalat ng mga loose firearms at hinihikayat rin niya ang iba pang mga lokal na opisyal na isuko ang kanilang mga armas na walang lisensya.
Ang turn-over ceremony ay isinagawa sa Municipal Hall ng Poblacion, Pagalungan, Maguindanao pasado alas-9 ng umaga na sinaksihan nina Lt. Col. Rommel Mundala, Commanding Officer of the 90th Infantry Battalion; Vice Mayor Abdila Mamasabulod, Municipal Administrator Jay Mamasabulod, at iba pang mga lokal na opisyal.
Pinapurihan naman ni Major Gen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central ang mga opisyal ng militar sa Maguindanao sa pagkumbinse ng mga ito sa mga lokal na opisyal na isuko ang mga loose firearms.
- Latest