^

Probinsiya

Pulis na viral sa pamamaril ng 2 dahil sa 'boga' sumuko; kasong double murder inihahanda

Philstar.com
Pulis na viral sa pamamaril ng 2 dahil sa 'boga' sumuko; kasong double murder inihahanda
Makikita sa litratong ito ang pamamaslang na nakunan sa video, bagay na ginawa ni Police SMSgt. Jonel Nuezca sa harap mismo ng kanyang menor de edad na anak, ika-20 ng Disyembre, 2020
Video grab mula Facebook ni Ronjie Daquigan, konsehal mula Gerona, Tarlac

MANILA, Philippines (Updated 11:10 a.m.) — Isinuko ng isang pulis Parañaque sa otoridad ang kanyang sarili matapos pagbabarilin sa sentido ang dalawang tao matapos ang alitang magkapitbahay, pagkukumpirma ng Philippine National Police (PNP).

Nangyari ang insidente Linggo, matapos barilin ni Police SMSgt. Jonel Nuezca sa ulo sina Sonya Gregorio (52-anyos) at anak na si Frank Anthony Gregorio (25-anyos) matapos mag-away tungkol sa boga at "right-of-way." Hindi armado ang mga biktima.

Naging mainit lalo ang tagpo nang masangkot sa iringan ang anak ng pulis. Patay ang mag-inang Gregorio agad-agad, doon din mismo.

Kumalat ang video nito sa social media 'di kalaunan at labis na binatikos ng netizens. Numero uno tuloy na trending ang #StopTheKillingsPH sa Twitter habang sinusulat ang balitang ito, bagay na sinundan ng #JusticeForSonyaGregorio, #EndPoliceBrutality at #PulisAngTerorista.

"Pumunta yung police sa bahay ng biktima at nagkaroon ng pagtatalo, [hanggang] naungkat ang matagal na nilang alitan sa right-of-way," ayon kay Police Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui police sa probinsya ng Tarlac, sa panayam ng GMA News.

Pinagsisisihan na raw ni Nuezca ang ang pagpatay sa dalawa, na kanyang ginawa sa harap mismo ng kanyang menor de edad na anak na babae.

Inihahanda na raw ng PNP ang reklamong double murder laban kay Nuezca matapos sumuko sa kapulisan ng Pangasinan.

PNP: Mali talaga, pero isolated case ito

Aminado ang pamunuan ng PNP na hindi tama ang ginawa ni Nuezca, ngunit hindi raw ito nangangahulugan na madalas itong mangyari sa kanilang institusyon.

"Hindi talaga nararapat ang ginawa ng pulis, lalong-lalo na nasa pangangalaga niya ang isang baril na pwede niyang gamitin supposedlyt laban sa kriminal — pero ginamit niya sa mga inosenteng tao," ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, Lunes.

"Bagama't ito'y isolated case, we will see to it that justice will be served."

Kinundena din ng abogadong si Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo, ang nangyaring pamamaslang lalo na't residente siya mismo ng bayan ng Paniqui.

Pero matagal naman na raw talamak ang pamamaslang sa nakaraang apat na taon ng administrasyong Duterte, na siyang matagal nang bumabanat sa mga human rights advocates.

"I was shocked to see this brazen, cold-blooded murder in my own community. Then I realized, murders like this, of sons and mothers, in broad daylight, HAVE been happening in ALL oiur communities the past foiur years. This is now our reality."

Kinundena rin ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang nangyari kahapon, at sinabing ipinakikita ng insidente ang "baba ng tingin ng kapulisan sa buhay ng tao" — bagay na nangyayari kasabay ng pagsilip ng International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa extrajudical killings.

Basahin: Piskal ng ICC may 'risonableng batayan' na maniwalang may crimes vs humanity sa 'drug war'

"Impunity. When the police think they can do anything, including shoot unarmed civilians at point blank, and when they show us how human life has very little value nowadays," ani Renato Reyes Jr., secretary general ng BAYAN.

Dagdag pa ni Reyes, hindi ito "isolated case" lalo na't ngayong taon lang nang pagbabarilin ng PNP ang isang lockdown violator, maliban pa sa pagpatay ng kapulisan sa apat na militar sa Sulu at matatandang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) nitong Nobyembre.  — James Relativo at may mga ulat mula sa ONE News at News5

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

EXTRAJUDICAL KILLINGS

PANGASINAN

PANIQUI

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TARLAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with