Parak timbog sa kotong
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nahulog sa patibong ng pulisya ang isa nilang kabaro matapos maaktuhang nangongotong umano ng pera sa isang ginang sa lungsod na ito, kamakalawa.
Kinilala ang dinakip na si P/Master Sgt. Arthur Salvador, 47, nakatalaga sa Echague Police Station at residente ng Park Riverside, Brgy. San Antonio, Alicia, Isabela.
Isang Nimfa Remegio ang humingi ng tulong sa mga awtoridad matapos na hingan umano siya ng suspek ng P1.2 milyon para ayusin ang kanyang kasong kinahaharap kaya ikinasa agad ang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Integrity Monitoring and Enforcement Team (RIMET), Santiago City Police, CIDG-Santiago City at Echague Police na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek sa harapan ng isang mall sa Brgy. Mabini. Nakuha sa pag-iingat nito ang boodle money na ginamit ng mga awtoridad sa operasyon.
Inihayag ni P/Col. James Cipriano, director ng Isabela Provincial Police Office (IPPO) na walang puwang sa hanay ng pulisya ang sinuman na pulis na gumagawa ng ilegal.
- Latest