^

Probinsiya

Suspek sa mall bombing, utas sa shootout

Rhode­rick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa mga suspek sa pambobomba sa isang mall matapos umanong man­laban sa ginawang pag­salakay ng tropa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Brgy. Bagua 2, Cotabato City kama­kalawa ng madaling araw.

Kinilala ni CIDG-Ma­guindanao chief Major Esmael Madin ang nasawing suspek na si Abraham Abdulrahman alias “Abu Suffian”.

Sinabi ni Madin na nagulat si Abdulrahman nang nasa loob na ng kanyang safehouse ang mga pulis at agad nitong kinuha ang baril sa ilalim ng kanyang unan at nagpaputok. Gumanti ang mga pulis kaya’t napatay si Abdulrahman na nakuhanan ng isang cal. 45 pistol, mga bala, granada, bomb making component at cellphone.

Nabatid na si Jas­miya Ibrahim na kasama ni Abdulrahman ang target sa operasyon pero nakatakas ang una. Siya ay may arrest war­rant na ipinalabas ni Judge Allan Edwin Boncavil ng 12th Judicial RTC Branch 19 sa Isulan, Sultan Kudarat, dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Magugunita na da­lawa ang nasawi at 34 ang sugatan sa pambobomba sa harap ng Southseas mall sa Magallanes St. sa Cotabato noong Disyembre 31, 2018. Isa sa mga nagpasabog noon ay si Abdulrahman.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with