^

Probinsiya

P100 milyong gadgets samsam sa raid, 3 timbog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Tatlo katao ang arestado kabilang ang 2 Chinese national at tina­tayang aabot sa P100 milyong halaga ng mga computer, universal serial bus (USB) at TV na hinihinalang may sto­rage devices na pawang walang mga permit ang kinumpiska ng Optical Media Board (OMB) sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega nitong Huwebes ng hapon sa bayang ito.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Joy Alegado na nagpakilalang sekretarya ng nasabing establisyamento at dalawang Chinese National na sina Quan Xi Gua at Huang Yingjie.

Ayon kay OMB Chairman Atty. Christian Natividad, tatlo katao ang inaresto sa nasabing pagsalakay ng ahensya sa isang bodega sa Guiguinto kabilang ang dalawang Chinese national at ang nagpapakilalang may-ari ng Ecom Electronics Reconditioning Services.

Sinabi ni Natividad na nadiskubre ang nasabing bodega matapos na magpadala ng online license application ang nasabing establisim­yento noong Huwebes ng umaga ang nagpakilalang may-ari na si Jo­celyn Drueco Casimiro.

Pero bunsod sa ma­igting na intelligence report, natuklasan ng OMB na isang Chinese national umano ang nagmamay-ari ng naturang electro­nics company. Posibleng “dummy” lamang umano si Casimiro na nagpakilalang may-ari ng kompanya.

“Ang mga gadgets, storage devices at iba pa ay inaangkat sa bansang Korea at pinapalitan ng mga piyesa pagdating sa Pilipinas upang ma­ging bago saka nila ibebenta sa merkado. Isang panloloko ang kanilang ginagawa sa mamamayan at sa gobyerno,” pahayag ni Natividad.

GADGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with