Kahit may COVID-19, ‘Belenismo’ sa Tarlac umarangkada
MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng mga Tarlaqueno ang kanilang pagnanais na ipakita ang kanilang galing at talento sa paggawa ng iba’t ibang uri ng Belen sa kabila ng banta ng COVID-19 at hagupit ng malakas na bagyo.Nagtagisan sa pagiging malikhain ang nasa 32 na grupo mula sa Simbahan, mga indibiduwal at komunidad upang ipakita ang kanilang Belen bagama’t sinalanta sila ng bagyong Ulysses at banta pa rin ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Isa Cojuangco Suntay, co-founder ng Tarlac Heritage Foundation, walang makakapigil sa adhikain ng mga Tarlaqueno upang ipakita ang kanilang pagiging matapang at malikhain sa kabilang ipinatutupad na quarantine rules.
Sinabi ni Suntay na hindi nawalan ng pag-asa ang mga participants na muling itayo, buuin at gawin ang kanilang mga Belen na winasak ng bagyo.
Isa mga nangibabaw ay ang rainbow-themed belen ng Philippine Army na nasa harap ng Camp Servillano Aquino sa Barangay San Miguel, Tarlac City. Ayon kay Maj. Gen. Robert Dauz, commander ng Armor Pambato Division 1, nais na ipakita ng kanilang belen ang pag-asa at matibay na pananalig sa Diyos sa kabila ng sunud sunod na dagok sa buhay ng bawat Filipino.
- Latest