^

Probinsiya

3 ‘tulak’ todas sa Bulacan drug ops

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay sa mga operatiba ng Bulacan Police-Drug Enforcement Unit ang tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang magkahiwalay na drug bust operation kahapon ng madaling araw at Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang mga napatay na suspek na sina Carlo Ardenio ng Bagong Silang, Caloocan City at Joshua Loquente ng Meycauayan City, Bulacan habang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Nasawi si Ardenio dakong ala-1:30 ng madaling araw matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa buy-bust sa Melody Plains Brgy. Muzon sa siyudad ng San Jose del Monte. Nakatakas naman ang kasama nito sakay ng motorsiklo patungo sa ‘di pa mabatid na lugar.

Narekober sa napatay na suspek ang isang Smith and Wesson cal .38 pistol, shabu at buy-bust money.

Dakong alas 3:20 kahapon ng madaling araw naman nang mapatay ng operatiba ng Balagtas Police matapos umanong manlaban si Joshua Loquente at ang kasama nito sa buy-bust operation sa Brgy. Pulong Gubat, Balagtas. Nabawi sa mga nasawi ang 11 plastic sachet ng shabu, dalawang Smith and Wesson cal .38 revolver at buy-bust money.

vuukle comment

DRUG OPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with