^

Probinsiya

Pera na lang ang ibigay na ayuda sa magsasaka — Cagayan Gov.

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pera na lang ang ibigay na ayuda sa magsasaka — Cagayan Gov.
Idinirekta ni Mamba ang kanyang panawagan sa Department of Agriculture na nagpahayag ng P846 milyong ayuda na ipapaabot nito sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.
AFP/File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nanawagan si Cagayan Governor Manuel Mamba na pera na lamang ang ibigay na ayuda sa mga magsasakang sinalanta ng mga nagdaang bagyo sa halip na binhi at pataba.

Idinirekta ni Mamba ang kanyang panawagan sa Department of Agriculture na nagpahayag ng P846 milyong ayuda na ipapaabot nito sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Ayon kay Mamba, ma­ka­bubuting ibigay ng kagawaran ang cash na tulong sa mga benepisyaryong magsasaka upang sila mismo ang makakapamili kung anong klaseng binhi at pataba ang kanilang gagamitin.

Aniya, mas makakatu­long kung sa lokal na supplier bibili ang mga magsasaka nang umangat naman ang ekonomiya sa lalawigan sa halip na manggaling pa ang ang supply mula sa ibang lugar gaya ng Metro Manila.

Matatandaan na iniha­yag ni Agriculture Secretary William Dar ang halaga ng ayuda nitong itinuon sa rehiyon noong nakaraang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan.

Bukod sa P846 mil­yon sa Cagayan, ang Isabela ay tinuunan ng mas mala­king halaga na P986 mil­yon dahil sa mas malawak na pananim na sinalanta ng bagyo roon habang may P148 milyon ang Nueva Viscaya at P96 milyon naman sa Quirino.

AYUDA

MANUEL MAMBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with