^

Probinsiya

Mayon nagdulot ng 2 'volcanic earthquakes,' binabantayan ng Phivolcs

Philstar.com
Mayon nagdulot ng 2 'volcanic earthquakes,' binabantayan ng Phivolcs
Makikita ang pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon sa Daraga, Albay noong ika-7 ng Pebrero, 2018
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Nagsanhi ng dalawang scenario ng pagyanig ng lupa ang Bulkang Mayon sa nagdaang araw, dahilan para balaan ng state volcanologists ang mga nakatira malapit sa nasabing lugar sa Bikol.

"Nakapagtala ng dalawang (2) volcanic earthquakes ang monitoring network ng Bulkan Mayon sa nakalipas na 24-oras," ayon sa Phivolcs sa Inggles, Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, tumutukoy ang volcanic earthquakes sa mga lindol na dulot ng pag-akyat ng magma sa ilalim ng aktibong bulkan.

Maliban diyan, naobserbahan din ang pagbuga ng nito ng "white steam-laden plumes." Sa huling pagsusukat din noong ika-29 ng Oktubre, napag-alamang naglalabas ito ng sulfur dioxide — isang nakalalasong hangin — sa daming 436 tonelada kada araw.

Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon, na nangangahulugang nasa "abnormal" itong kondisyon.

"Mahigpit na inaabisuhan ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) nito dahil sa panganib ng rockfalls, landslides at biglaang pagbuga ng abo... kahit na hindi pa nakikita ang nalalapit na pagsabog gaya ng magmatic eruption," dagdag ng Phivolcs.

"Dapat ding iwasan ang lahat ng active stream/river channels na natukoy na bilang madalas tamaan ng lahat sa lahat ng sektor ng bulkan lalo na kapag may 'extreme weather conditions' gaya ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan."

Kamakailan lang nang mabaon ng lahar ang ilang istruktura at kabahayan sa probinsya ng Albay matapos dumaan ng Super Typhoon Rolly sa Kabikulan noong nagdaang weekend.

Clearing of lahar Debris in tabaco- ligao road at Brgy.  Bantayan, Tabaco City, Albay. #StayStrongAlbay #GabosMagtarabangan #BayanihanSaAlbay

Posted by Gov. Al Francis C. Bichara on Tuesday, November 3, 2020

Sa huling ulat ng Philstar.com, sinasabing umabot na sa 24 ang namatay sa nagdaang "Rolly," ang ilan dito ay nalibing nang buhay sa pamamagitan ng lahar sa Guinobatan, Albay.

Hindi rin tinatanggal ang posibilidad ng "phreatic eruptions" mula sa bunganga ng bulkan. — James Relativo at may mga ulat mula kay News5/Jenny Dongon

LAHAR

MAYON

PHIVOLCS

VOLCANIC EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with