^

Probinsiya

Kuryente sa maraming lugar naparalisa ni ‘Rolly’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kuryente sa maraming lugar naparalisa ni ‘Rolly’
Nagtulung-tulong ang mga residente ng Brgy. San Isidro sa Batangas City upang maibalik sa ayos ang isang sasakyan na tumagilid matapos na tangayin ng flash flood nang umapaw ang ilog sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Rolly kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtama ng bagyong Rolly, mara­ming lugar sa bansa ang naparalisa sa suplay ng kuryente.

Sa ipinalabas na ulat ng National Electrification Administration (NEA) kahapon, nananatiling walang suplay ng kuryente sa Ca­tanduanes, Ca­marines Sur, Camarines Norte, Albay, Masbate at Sorsogon sa Bicol Region gayundin sa malaking bahagi ng ­Quezon, Laguna, Batangas sa Calabarzon at sa ilang bahagi ng northern Samar at western Samar sa eastern Visayas Region.

Ito ay dahil sa pagkasira ng mga poste ng kuryente at iba pang pasilidad ng 17 electric cooperatives sa nabanggit na mga lalawigan dahil sa bagsik ng hagupit ng bagyong Rolly.

Ayon sa NEA, partikular na bumagsak ang po­wer supply ng Camarines Sur I, II, III at IV Electric Cooperatives (Casureco I, II, III at 4); Camarines Norte Electric Cooperative (Canoreco), Albay Electric Cooperative at ang Sorsogon I at II Electric Cooperatives (Soreco I  at Soreco II).

Sa datos pa lamang ng lalawigan ng Albay, nasa 80-90 porsyento na ng mga poste ng kur­yente ang pinatumba ng malakas na hangin na dala ng bagyong Rolly.

Sa Calabarzon, wala ring suplay ng kur­yente ang mga lugar na sineserbisyuhan ng Quezon Electric Cooperative I (Que­zelco I), First Laguna  Electric Cooperative (Fleco), Batangas I & II Electric Cooperative (Batalec I & II). 

Habang sa Eastern Visayas, bagsak din ang pasilidad ng Northern Samar Electric Coo­perative (Norsamelco) maging ang Samar II Electric Coo­perative (Samelco II) may ilang mga bayan sa kanilang franchise area ang mayroon nang suplay ng kuryente.

Sa ngayon, magkatuwang ang mga tauhan ng electric coo­peratives ng NEA at National Grid Corporation (NGCP) para maibalik sa lalong mada­ling panahon ang suplay ng kuryente sa mga lugar na binayo ng bagyo.

BAGYONGROLLY

KURYENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with