^

Probinsiya

3 patay, 4 nawawala sa pananalasa ni ‘Quinta’

Doris Franche, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 4 nawawala sa pananalasa ni ‘Quinta’
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Tim­bal, ang tatlong biktima ay pawang nalunod matapos rumagasa ang tubig-baha. Isa sa mga biktima ay naitala sa Mogpog sa Marinduque habang ang dalawa ay sa Negros Oriental.
Joy Torrejos

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) na tatlo ang patay at apat pa ang nawawala habang isa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Quinta.

 Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Tim­bal, ang tatlong biktima ay pawang nalunod matapos rumagasa ang tubig-baha. Isa sa mga biktima ay naitala sa Mogpog sa Marinduque habang ang dalawa ay sa Negros Oriental.

Umabot na sa kabu­uang 914,709 katao o 237,948 pamilya ang apektado ng pananasala ng bagyo.

Sa ngayon, nasa 843 mga evacuation centers ang okupado sa National Capital Region, Region 3, Calabarzon, Mimaropa,  Regions 5, 6, 7 at 8.

Sa lalawigan ng Aurora, maraming lansa­ngan at tulay sa Dilasag, Aurora ay hindi pa rin nadaraanan dahil nana­natiling lubog sa tubig baha.

Batay sa advisory ng Dilasag MDRRMO, hindi passable sa medium at light vehicles ang Ditubo River dahil sa pag-apaw ng tubig.

Umapaw din ang Sapsap River at isinara ito sa lahat ng uri ng sasakyan. Ang Quary River naman ay hindi rin maaaring madaanan ng medium at light vehicles.

Samantala, mula sa dating 13 napaulat na nawawala ay bumaba sa apat matapos ma­tagpuan ang 9 na mangingisda sa Camarines Sur habang pinaghahanap pa ang iba kabilang ang isa mula sa lumubog na yate sa Bauan, Batangas.

Natagpuan na ang 9 na mangingisda mula sa Albay na nawawala matapos na isa-isa silang nailigtas ng search and rescue team habang pa­lutang-lutang sa dagat na sakop ng Catandua­nes at Northern Samar makaraang hampasin at pataubin ng naglalakihang alon ang kanilang bangkang pangisda sa gitna ng karagatan dahil sa bagyong Quinta.

Unang iniulat na natagpuan dakong alas-2 ng hapon noong Linggo sina Rico Alamil, ng Brgy. Buhatan, Sto. Domingo; Jaycee Adornado at Michael Bilon, pawang residente ng Brgy. Gaba, Rapu-rapu, Albay.

Dakong ala-1 ng ma­daling araw noong Sa­bado ay pumalaot ang tatlo pero pagdating sa gitna ng dagat ay hi­nam­­pas sila ng malalaking alon hanggang mapadpad ang kanilang bankang de-motor sa Brgy. Kayawagan, Lao­ang, Northern Samar.

Samantala, alas-6:35 ng umaga kamakalawa, sa tulong ng ilang ma­ngingisda ay natagpuan din ng binuong search and rescue team sa karagatang sakop ng Brgy. Balite sa Virac, Catandua­nes habang palutang-lu­tang ang anim pang mangingisda na sina Johsua Bora, 22; Christopher Bora, 25; Elorde Manlangit Bora, 21; Julius Boqueo, 33; Arnulfo Borral, 35 at Anthony Borral, 31, pawang taga-Brgy. Sagurong, San Miguel Island, Tabaco City. Patuloy pang pinag­hahanap ng mga rescuers ang isa pa nilang kasamahang si Joselito Oua­peuprecua.

Sa kuwento ng anim na nakaligtas, magkakasama umano silang pumalaot noong Oktubre 21 pero inabutan sa gitna ng karagatan ng bagyong Quinta.

Sa lakas ng hangin at gahiganteng alon ay tumaob at tuluyang lumubog umano ang kanilang bangkang pangisda dahilan para magkanya-kanya silang langoy hang­gang masuwerteng unang nakita sina Bora at Boqueo ng mga ma­ngingisda mula sa Virac habang palutang-lutang kaya bumuo agad ng search and rescue team ang LGU-Virac at nai­ligtas pa ang apat nilang kasama.

MDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with