Ginagawang tulay gumuho: 2 tepok, 3 sugatan
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang construction worker habang tatlo ang sugatan nang gumuho ang ginagawang tulay sa Brgy. Tipo, Hermosa, Bataan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga nasawing obrero na sina Vivincio Pamisa at Marvin Tajores; habang ang mga sugatan ay sina Joel Pitel, John Ray Salatan at Peter Pahilan, pawang trabahador ng isang kilalang construction firm.
Sa imbestigasyon, nag-collapse ang pansamantalang suporta sa ginagawang expansion ng Jadjad Bridge na may habang 18 metro at 180 tonelada ang bigat na aksidenteng dumagan sa mga biktima sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Ayon kay P/Sgt. Rommel Bejarin, investigator on case, may pag-uusap na sa pagitan ng contractor ng proyekto at pamilya ng mga biktima hinggil sa mga kakailanganin nilang gastusin.
- Latest