Bulkang Taal muling nag-alboroto
MANILA, Philippines — Muli na namang nag-alboroto ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Ito ay makaraang makapagtala ng anim na volcanic earthquakes ang Taal volcano at mahinang steaming activity sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, ang weak steaming ay umabot ng may limang metrong layo sa may timog kanlurang bahagi mula sa bunganga ng bulkan.
Nananatili namang nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal volcano na nangangahulugan ng abnormal na kondisyon nito. Ito ay kakikitaan ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ash fall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas sa bahagi ng Taal volcano island.
Patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang mga taong pumasok sa loob ng isla na isang Permanent Danger Zone lalo na sa may malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa epektong idudulot nito sa posibleng pagputok at ashfall.
- Latest