^

Probinsiya

DA, NIA magpapaulan sa Central Luzon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DA, NIA magpapaulan sa Central Luzon
Ayon kay Agricul­ture Sec. William Dar, inatasan na niya ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) na magsagawa ng CSOps para makalikha ng ulan sa buong Central Luzon o Region 3 na lugar ng maraming palayan na ngayon ay nasa critical reproductive stage.
The STAR/Edd Gumban, file

Para tumaas ang water level sa dam

MANILA, Philippines — Magpapaulan o mag­sasagawa ng cloud see­ding operations (CSOps) sa Central Luzon ang Department of Agriculture (DA) sa tulong ng National Irrigation Administration (NIA) upang makatulong itong mapataas ang bumababang water Pantabangan Dam.

Ayon kay Agricul­ture Sec. William Dar, inatasan na niya ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) na magsagawa ng CSOps para makalikha ng ulan sa buong Central Luzon o Region 3 na lugar ng maraming palayan na ngayon ay nasa critical reproductive stage.

Ang CSOps ay magkatulong na gagawin ng NIA, Civil Aviation Authority (CAA) at ng Philippine Army’s Fort Magsaysay.

Ayon kay DA-BSWM director Sonia Salguero, ang CAA ay handa nang magbigay ng clearance para sa cloud seeding. May P6 milyong halaga aniya ang laang budget ng NIA para rito.

Ang Pantabangan Dam ay isa sa pinakamalaking dam sa Asya at nagsusuplay ng kailangang tubig sa mga irigasyon para sa mga pataniman sa  Central Luzon. Nagbibigay din ang dam ng 112 megawatts ng hydroelectric power.

CIVIL AVIATION AUTHORITY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with