^

Probinsiya

12-anyos ginahasa, pinatay saka isinako

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 12-anyos na nene na unang­ iniulat na na­wawala matapos madis­kubreng nakasako ha­bang nakabaon nang ba­hagya sa lupa at hinihinalang ginahasa bago pinatay malapit lang sa kanilang bahay sa Rosario, Cavite kamakalawa.

Kinilala ang batang biktima na si Louiza Hil­lera, 12-anyos na naka­tira sa Dreamland, Brgy. Muzon 2 ng nasabing bayan.

Matatandaan na da­lawang araw na hinanap ng kanyang pamilya at mga opisyal ng barangay ang biktima sa lugar pero hindi nila lubos akalain na sa malapit lang pala ng kanilang tahanan makikita ang biktima pero patay na at ibinaon ng hindi kilalang suspek upang itago ang gina­wang krimen.

Ayon sa FB post ng ina ng biktima na si Chona Alano, bandang 6:30 ng gabi noong Agosto 30 nang huli nilang makitang buhay si Louiza na naliligo pa sa poso ma­lapit sa kanilang bahay kasama ang mga kaibi­gan. Gayunman, matapos ang paliligo ng mga bata ay nagsiuwian na sila pero hindi na naka­rating sa kanilang bahay ang biktima.

Umaga na nitong Set­yembre 1, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa sako at lawit pa ang dila nito habang nakabaon sa lupa pero may nakikitang bahagi ng kanyang katawan kung kaya nakita rin ng mga residente.

May suspek na ang pulisya sa krimen na pinaghahanap na rin sa kasalukuyan pero hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan nito.

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with