^

Probinsiya

2 notoryus na ‘pusher’ todas sa drug ops

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Bumulagta ang dalawang drug suspect nang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 13, Carcon Village, Brgy. Lagao, dito nitong nakalipas na linggo.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jhonny Manapsal Visitas alyas “Tata” at Diode Roto Butad, mga nasa hustong gulang. 

Ayon kay P/Lt. Omar Baret, deputy chief ng Police Station 6 ng Ge­neral Santos City Police Office, una umanong nagpaputok si Visitas ng armas habang si Butad naman ay tinangkang maghagis ng granada sa mga operatiba. Dahil dito, agad na gumanti ng putok ang mga pulis at nagresulta sa pagkamatay ng dalawa dakong alas-7:30 ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang 6 na sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P30,000, isang .38 caliber pistol na may 5-bala, isang granada at isang kulay puti na Toyota HiAce van na may plakang KCU 4073.

vuukle comment

DRUG OPS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with