^

Probinsiya

Lolo huli sa pagdukot at paggulpi sa binatilyong pinabili ng suka

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Naaresto ang isang 60-anyos na lolo na sangkot sa pagdukot at paggulpi sa bina­tilyong inutusang bumili ng suka sa  tindahan matapos ang halos isang dekadang pagtatago nang matunton ng awtoridad sa kanyang  lungga sa Tanza, Cavite kamakalawa.

Ayon kay Cagayan Police Director Col. Ariel Quilang, walang inirekomendang piyansa si Aparri RTC Judge Nicanor Pascua Jr. laban kay Wilfredo Yoldi sa kasong kidnapping at serious illegal detention in relation to RA 7610 na nangyari noong 2010.

Sa rekord, pauwi mula sa tindahan si Jomary Cortez na noon ay 17-anyos pa lamang nang mapagkamalan siyang kaaway ng mga apo ni Yoldi sa nagaganap noon na riot sa Brgy.Tallungan, Aparri. Dahil dito, kinaladkad ng mga Yoldi si Cortez sa bahay ng matanda at doon halinhinan siyang pinagbubugbog at pinagsisipa hanggang maisagawa ang rescue sa biktima ng mga opis­yal ng barangay.

Nabatid na ang matandang Yoldi ang pinakahuling dinampot na akusado ng awtoridad kaugnay sa kaso.

LOLO

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with