^

Probinsiya

Direk Joyce, Piolo itinaboy muli sa Banaue

Pilipino Star Ngayon
Direk Joyce, Piolo itinaboy muli sa Banaue
Sinabi sa PSN ni Ba­naue Police chief Capt. Rodolfo Fateg na hindi na pinababa ng sasak­yan sina Joyce Bernal, Pascual at mga kasamahan nang harangin sila sa highway ng Mt. Polis ng mga ka­sapi ng Inter-Agency Task Force ng COVID-19 dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa.
Philstar.com/Maridol Ranoa-Bismark

MANILA, Philippines — Matapos harangin pa­pasok sa Sagada, muli na namang nakaranas ng matinding paghihigpit sa “quarantine protocols” ang movie director na si Joyce Bernal, aktor na si Piolo Pascual at ka­ni­lang grupo mula sa Ma­­lacañang matapos silang itaboy ng mga opis­yales at mamamayan ng Ifugao nang tangkain nilang pumasok upang mag-shoot sa pamosong Banaue Rice Terraces.

Sinabi sa PSN ni Ba­naue Police chief Capt. Rodolfo Fateg na hindi na pinababa ng sasak­yan sina Bernal, Pascual at mga kasamahan nang harangin sila sa highway ng Mt. Polis ng mga ka­sapi ng Inter-Agency Task Force ng COVID-19 dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa.

Nabatid na sinamahan na lamang ng police­ escort ang grupo ni Ber­­nal palabas sa boun­dary­ ng Banaue nang wa­lang maraming salita at kanilang tinahak ang daan patungo sa kabisera ng Lagawe.

Ipinaliwanag ni Ba­naue Mayor Wesley Dula­wan na mayroon siyang umiiral na Executive Order (EO) na nagbabawal sa sinuman na lumabas o pumasok sa kanyang teritoryo mula Hulyo 3 hanggang Biyernes.

Aniya, ang kautusan­ ay kanyang ibinaba upang masawata ang pagkalat ng COVID-19 sa kanyang bayan bagama’t mayroon nang naitatalang kaso sa mga kalapit na munisipa­lidad ng Lagawe, Lamut, Hingnon at Tinoc.

Nabatid na nais kunan­ ng video ni Bernal sa Ba­naue ang World Heritage site ng Batad Rice Terraces habang nakasuot ng bahag ang actor na si Pascual.

Nauna rito, tinanggi­han din ang grupo ni Bernal na makapasok ng Sagada sa Mountain Province upang kumuha ng video ng mga tanawin at katutubong pamumuhay doon para gawin sa­nang backdrop sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa ikatlong linggo ngayong Hulyo kung saan si Bernal din ang magsisilbing director. Ipinaliwanag ng mga opisyal ng Sagada na hindi sila nagpapapasok ng mga dayo sa kanilang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

PIOLO PACUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with