^

Probinsiya

2 robbery suspect dedo sa shootout

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines  - Patay ang dala­wang hinihinalang robbery suspect matapos umanong  makipagba­rilan sa mga pulis kamakalawa ng mada­ling araw sa Baliwag, Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police ang mga nasawing suspek na sina Rey Samonte at Reynold Tamayao.

Sa ulat, alas-2:10 ng madaling-araw ng nasabing araw ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang Baliwag Police mula kay Enguerra Jeason, isang security guard ng Wilcom Depot na matatagpuan sa DRT Hi-way Brgy. Tarcan, Baliwag. Isang nakawan umano ang nagaganap sa Panrama Technologies kasabay rin ng report mula kay Joey Flores, 41, ng Cunanan St. Brgy. Sto. Cristo, Baliwag, Bulacan na kinarnap umano ang kanyang motorsiklo.

Sa pangunguna ni P/Lt. Col. Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag Police, agad nilang inalerto ang Bulacan Tactical Operation Center hinggil sa deskripsyon ng mga suspek na nagtugma sa mga nangholdap sa Panrama. Eksaktong malapit sa lugar ng pinangyarihan ang mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Branch sa pangunguna ni P/Maj. Jansky Andrew Jaafar kaya agad rumesponde.

Tumakas ang mga suspek sakay ng ina­gaw na motorsiklo mula kay Flores nang mapansin ang mga paparating na pulis hanggang sa mauwi sa ilang minutong habulan at nang makorner sa gawing bypass road ay dito na nagkaroon ng palitan ng putok na ikinabulagta ng mga suspek at idineklarang dead-on-arrival sa Baliwag District Hospital alas-2:45 ng umaga.

LAWRENCE CAJIPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with