^

Probinsiya

Lola ginapos, hinataw sa ulo ng apo, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lola ginapos, hinataw sa ulo ng apo, utas
Patay na habang nakagapos ang dalawang binti at nakadapa sa sahig ng kanilang kusina nang madiskubre ng kanyang mga kaanak ang biktima na kinilalang si Natividad Sabaybay Villanueva, residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Karumal-dumal ang sinapit ng isang 66-anyos na lola matapos na igapos ng sari­ling apo at hatawin pa ng kahoy sa ulo na parang hayop dahil lamang sa paniningil ng utang sa loob ng kanilang bahay sa bulubunduking lugar ng Purok-5, Brgy. Apad, Polangui, Albay noong Martes ng umaga.

Patay na habang nakagapos ang dalawang binti at nakadapa sa sahig ng kanilang kusina nang madiskubre ng kanyang mga kaanak ang biktima na kinilalang si Natividad Sabaybay Villanueva, residente ng nasabing lugar.

Agad namang umamin sa pulisya ang apo ng biktima na si Albert Villanueva na siya ang pumatay sa kanyang lola dahil sa matinding galit nito sa matanda.

Sa imbestigasyon ng Polangui Police, dakong alas-9 ng umaga nang magdilim umano ang paningin ng suspek sa sobrang galit sa kanyang lola makaraang singilin siya nito ng kanyang pagkakautang.

Nabatid na itinali muna ng suspek ang dalawang binti ng lola gamit ang extension wire at hinataw ng kahoy ang mukha dahilan para mamatay.

Dakong alas-10:45 ng umaga nang laking gulat ng mga kaanak nang makita ang nakasubsob na bangkay ng matanda.

vuukle comment

NAKAGAPOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with