^

Probinsiya

Biyahe ng P2P buses sa Bulacan, balik operasyon na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng P2P buses sa Bulacan, balik operasyon na
Ito’y matapos pagkalooban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng special permit para makabiyahe ngayong umiiral na ang general community quarantine sa Bulacan.
STAR/File

MALOLOS CITY, Philippines  — Balik operasyon na ang mga Premium Point-to-Point o P2P buses na may biyahe sa mga bayan ng Balagtas, Pandi at Plaridel sa Bulacan.

Ito’y matapos pagkalooban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng special permit para makabiyahe ngayong umiiral na ang general community quarantine sa Bulacan.

Mayroon itong ruta mula sa Balagtas papuntang North Avenue sa lungsod Quezon na daraan sa Bocaue exit ng North Luzon Expressway o NLEX.

Ang mga ruta naman na mula sa Pandi at Plaridel ay lumalabas sa Plaridel Bypass Road patungo sa Balagtas exit ng NLEX papuntang North Avenue.

Ayon kay Jojo Fernandez ng HM Transport na may konsesyon sa mga rutang ito ng P2P sa Bulacan, hindi tumaas ang pamasahe bagama’t may nabago sa oras ng operasyon at limitado ang bilang ng mga bus na pinapatakbo.

Mananatiling P70 ang pamasahe sa rutang Balagtas-North Avenue na apat na bus units muna ang gagamitin mula sa dating pito. Ang mula Pandi hanggang North Avenue ay P100 pa rin ang pasahe na may limang bus units lamang mula sa normal na pito habang P80 pa rin para sa biyaheng Plaridel-North Ave­nue na may anim na bus units mula sa regular na 9.

Lahat ng mga rutang ito ay may first trip na alas-4 ng umaga hanggang alas-6:30 ng hapon. Ang mga oras naman ng biyahe na pauwi sa Balagtas, Pandi at Plaridel mula sa North Avenue ay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. Ang dating tig-30 segundong agwat o interval ay pansamantalang magiging kada isang oras muna.

P2P

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with