^

Probinsiya

Manggagawang nag-alok ng P100-milyong pabuya para 'patayin si Duterte,' tiklo

James Relativo - Philstar.com
Manggagawang nag-alok ng P100-milyong pabuya para 'patayin si Duterte,' tiklo
Hawak ng Philippine National Police ang suspek na si Ronald Quiboyen sa litratong ito na ipinaskil, ika-12 ng Mayo.
Malay PS Masaligan/Released

MANILA, Philippines — Nasakote ng otoridad ang isang construction worker matapos aniyang mag-post sa Facebook para ipapatay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ng pulisya mula Malay, Aklan ang suspek bilang si Ronald Quiboyen, 40-anyos, na naglagay diumano ng P100-milyong halaga sa ulo ni Duterte sa isang Facebook post.

"'yong 50milyon nyo doblihin ko gawin kung 100milyon kung sino makapatay kay duterte andito ako ngayon sa boracay," sabi ng kanyang post sa screenshot na ipinaskil ng Philippine National Police.

 

 

Agad na inilipat si Quiboyen sa Criminal Investigation and Detection Group-Aklan at Regional Anti-Cybercrime Unit 6 para mahainan ng kaso.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na hindi pa nakararating sa kanilang punong himpilan ang balita kung kaya't hindi pa makapagkomento.

Nangyari ito matapos arestuhin si Ronald Mas, isang gurong nag-post sa Twitter para mapatay diumano si Digong kapalit ng halagang P50 milyon.

Una nang kinundena ng Alliance of Concerned Teachers ang pagkakaaresto kay Mas lalo na't imposibleng may milyun-milyon daw si Mas, lalo na't mababa raw ang sweldo ng mga teacher.

"Teachers' dire economic state is no secret to the people, especially to the government. 25-year old Teacher Ronnel obviously does not have 50 million to pay as bounty hence his post clearly does not pose any serious threat to the President," ani ACT secretary general Raymond Basilo.

"Why then did the NBI spend valuable time and resources to apprehend this teacher?"

Nangyayari ang lahat nang ito kahit na hindi inaaresto ang mga nagbabanta sa buhay nina Bise Presidente Leni Robredo, mga progresibong kinatawan ng party-list sa Kamara, atbp. sa social media. — may mga ulat mula sa News5

AKLAN

ASSASSINATION

BOUNTY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with