^

Probinsiya

Pasahod sa JOs, tiniyak sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Sasahod pa rin ang mga empleyadong job orders o JOs at kon­trak­tuwal ng pamaha­laang panla­lawigan ng Bula­can ngayong naka­pailalim ang buong Luzon sa enhanced com­munity qua-rantine upang sugpuin ang coronavirus disease o COVID-19.

Iyan ang tiniyak ni Gobernador Daniel Fernando sa dagliang pulong ng Inter-Agency Committee for Response on COVID-19.

Sinabi ni Obet Sa-guinsin, hepe ng Provincial Human Resource  Management Office, mahigit 600 ang JOs at kontraktuwal sa pamahala-an panlalawigan habang nasa mahigit 1,500 ang regular na empleyado. 

Ipinaliwanag niya   na JOs ang klasipikas­yon kapag ito ay skilled jobs gaya ng gardener, driver, janitor o ‘yong ibang nasa general services at kontraktuwal sa mga propesyunal gaya ng doktor, nars at iba pang gaya nito. 

Para naman sa mga empleyado ng Kapitolyo sa sektor ng kalusugan gaya ng mga nasa Bulacan Medical Center o BMC at mga district hospitals, sinagot na rin ng pamahalaang panla­lawigan ang kanilang araw-araw na suplay ng pagkain habang naka-duty. 

JOB ORDERS

KON­TRAK­TUWAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with