^

Probinsiya

Sagada, tourist lockdown uli

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Muling isinara ng lokal na pamahalaan ang aktibidad ng turismo sa Sagada, Mountain Province kasunod ng umiigting na banta ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 14  ni Mayor James Pooten Jr. kahapon, bukod sa pagpigil sa tourist activities ay hinigpitan na rin ng pamunuan ng Sagada ang mga pagdaraos ng bukluran ng maraming tao tulad ng graduation at moving up ceremonies sa mababang paaralan.

Kung kinakailangan ani Pooten, hindi hihigit sa limang oras ang pagsasagawa ng mga seremonya sa pagtatapos upang hindi masadlak sa nakakahawang virus ang maraming tao lalo na ang mga estudyante. Matatandaan na unang isinailalim sa tourist lockdown ang Sagada noong Peb.6 at itinaas muli ang ban noong Peb. 22.

COVID-19

JAMES POOTEN JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with