^

Probinsiya

ASF pasok na rin sa Nueva Vizcaya, mahigit 200 baboy piñata

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya - Tuluyan na ring pinasok ng African Swine Fever (ASF) ang Nueva Vizcaya matapos na magpositibo ang isinagawang mga test sa karne ng mga patay na baboy sa Brgy. La Torre North ng bayan ito, kamakalawa.

Ayon kay Mayor Ralph Lantion, unang kumuha ang mga tauhan ng Provincial Veterinary Office (PVO) ng mga samples ng dugo at karne ng 17 na baboy na unang namatay sa isang piggery sa Brgy. La Torre North  at lumabas sa mga pagsusuri na positibo ito sa ASF.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Lantion ang lockdown sa nasabing barangay kabilang na ang mga katabing barangay sa La Torre South, Casat at Luyang para masiguro na walang makakalabas at makakapasok na baboy na buhay, karne at  processed food products para mapigilan ang pagkahawa sa iba pang mga lugar.

Agad rin na sinimulan ang pagsasagawa ng “culling” o pagpatay sa 200 na baboy kabilang na ang mga buntis na inahin kamakalawa ng gabi at nagpapatuloy pa habang sinusulat ang balitang ito para siguraduhin ng lokal na pamahalaan na mapapatay lahat ang mga alagang baboy na sakop ng 1 kilometer radius mula sa ground zero.

Iginiit din ng alkalde na magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Bayombong ng P2,500 na halaga sa mga hog raisers sa bawat baboy na papatayin.

Ang Nueva Vizcaya ang ikalawang lalawigan sa Cagayan Valley na pinasok ng ASF matapos na unang maitala sa dalawang bayan ng Isabela nitong Pebrero kung saan nasa 1,000 baboy ang pinatay at ibinaon.

ASF

RALPH LANTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with