^

Probinsiya

2 karnaper todas sa shootout

Cristina Timbang - Philstar.com
2 karnaper todas sa shootout
Kapwa mga naka-short pants at t-shirt lamang ang dalawang suspek na armado ng maiiksing baril at hindi pa nakikilala ng pulisya.
Joven Cagande/File

CAVITE, Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang karnaper nang maki-pagbarilan umano sa mga pulis matapos masabat sa checkpoint makaraan nilang tangayin ang motorsiklo ng isang dala-gang estudyante sa Molino-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.

Kapwa mga naka-short pants at t-shirt lamang ang dalawang suspek na armado ng maiiksing baril at hindi pa nakikilala ng pulisya. 

Sa pahayag ng biktimang si Kimberly Antoc, 21-anyos ng Blk. 2, Lot 24, Scotland St., Sunnycrest Village, Brgy Salitran 2, sakay umano siya ng kanyang Yamaha Mio Soul 125 at papauwi na galing sa pagbili ng pagkain nang buntutan siya ng dalawang suspek lulan din ng motorsiklo at kapwa naka-helmet alas-11:00 ng gabi sa Molino-Paliparan Road. Pagsapit sa madilim na bahagi ay dinikitan na siya ng mga suspek at hinarang.

Pilit umanong inagaw ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima at nang ayaw nitong ibigay ay dito na siya tinutukan ng baril at itinulak.

Tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na agad namang humingi ng tulong sa Dasmariñas Police kaya naglatag ng checkpoint sa naturang lugar.

Namataan ng mobile police checkpoint ang dalawang lalaki sa may Molino-Paliparan Road na nakatigil at tila may inaayos sa isang dalang motorsiklo.

Agad na nagduda ang grupo kung kaya habang papalapit sa mga suspek ay nagpakilala na silang mga pulis subalit dito na sila sinalubong ng sunud-sunod na putok mula sa mga suspek na nauwi sa shootout.

Nang humupa ang putukan ay bumulagta ang dalawang suspek. 

Nabawi sa lugar ang Yamaha Mio Soul 125 na pag-aari ng biktima.

KARNAPER

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with