^

Probinsiya

Dayong ‘pusher’ tumba sa barilan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Dayong ‘pusher’ tumba sa barilan
Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang suspek na kinilalang si Angelo Manabat Calimag, ng Brgy. Mabulo, Naga City.
STAR/ File

LEGAZPI , Philippines — Bulagta ang isang umano’y dayong drug pusher matapos na makipagputukan sa mga pulis sa inilatag na buy-bust operation laban sa una sa Sitio Yabo, Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang suspek na kinilalang si Angelo Manabat Calimag, ng Brgy. Mabulo, Naga City.

Sa ulat, dakong alas-12:50 ng hapon nang ilatag ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division ng Camp Gen. Simeon Ola, Camarines Sur Police at Pili Police ang buy-bust operation laban sa suspek. Gayunman, nang iabot ng suspek ang biniling droga na nagkakahalaga ng P50,000 ay nakahalata siya nang sumenyas ang poseur buyer sa mga kasama kaya bumunot ng baril at pinutukan ang mga ­operatiba sanhi ng barilan at ikinasawi ng una. Nakuha mula sa suspek ang pitong sachet ng shabu, kalibre 45 baril, buy-bust money at mga drug paraphernalia.

BUY-BUST

REGIONAL INTELLIGENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with