^

Probinsiya

Forest fire sumiklabulit sa Benguet

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Forest fire sumiklabulit sa Benguet
Ayon kay Fire Officer 1 Richard Watas ng Tublay Bureau of Fire Pro­tection (BFP), may 20 ektaryang Pine forest na ang natupok mula nang sumiklab ang sunog dakong alas-2:30 ng hapon noong Miyerkules.
AFP/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matapos maapula ang forest fire sa Kabayan, Benguet na tumupok ng nasa halos 150 ektarya ng kagubatan noong Martes, ay isa namang sunog ang sumiklab sa parte ng Sitio Nalseb, Ambasador, Tublay, Benguet noong Miyerkules na nagpapatuloy hanggang kahapon.

Ayon kay Fire Officer 1 Richard Watas ng Tublay Bureau of Fire Pro­tection (BFP), may 20 ektaryang Pine forest na ang natupok mula nang sumiklab ang sunog dakong alas-2:30 ng hapon noong Miyerkules.

Tumulong ang mga mamamayan na apulahin ang apoy sa dalawang Fire Trucks ng BFP Tublay at isa mula sa BFP La Trinidad dagdag ni Watas.

Nabatid naman na nagkaroon din ng brownout sa Tublay sanhi ng pagkalat ng apoy dakong alas-8:40 ng gabi ayon sa Benguet Electric Cooperative.

Naunang nasunog ang 150 ektar-yang kagubatan ng Kabayan, Benguet na natapos noong Martes.

Gayunman, wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa mga naganap na forest fire.

FOREST FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with