Konsehal itinumba ng tandem
NEGROS ORIENTAL, Philippines — Patay ang isang konsehal makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Villareal, Bayawan City, Negros Oriental kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Alex Tizon, 66-anyos, konsehal sa lungsod ng Bayawan. Siya ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 director P/Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, alas-10:40 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang Izusu Sportivo (FHM 231) galing sa Bayawan City at binabagtas ang national highway nang sundan ito ng riding-in-tandem.
Ayon kay Lt. Col. Mardy Hortilloza, spokesperson ng PRO 10, pagsapit sa lugar ay biglang nag-overtake ang motorsiklo ng mga suspek sa behikulo ng biktima. Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril, bigla na lamang pinaputukan ng sunud-sunod ng mga salarin ang nasorpresang opisyal.
Narekober sa lugar ang apat na piraso ng cartridge at mga basyo ng bala ng cal. 9mm.
- Latest