Lider ng ‘Muñoz Gang’ huli sa P.2 milyon shabu
ANGELES CITY, Pampanga, Philippines - Arestado ang umano’y lider ng kilabot na “Munoz Criminal Gang” na high value target (HVT) ng pulisya matapos makuhanan ng P.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang pagsalakay ng Angeles City Police sa kanyang lungga sa Brgy. Lourdes Northwest ng lungsod na ito, Lunes ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni Acting Chief ng City Intel Branch (CIB) P/Major Daryl Gonzales, kinilala ang suspek na si Anjo Justin Muñoz, 31, binata, walang trabaho at residente sa Brgy. Sapangbato.
Si Muñoz ay nasa talaan bilang Top 8 Regional Illegal Drug Personality; Top 10 Regional Sibat Target Phase 3; ACPO Drug Watchlisted HVT, at sinasabing lider ng Muñoz Criminal Gang.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Ireneo Pangilinan, presiding judge ng RTC 3 Branch 58, para sa mga kasong carnapping (RA 6539), paglabag sa PD 1612 o Anti-Fencing Law at paglabag sa Sec 11 ng RA 9165.
Nasamsam dito ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P270,000.
- Latest