^

Probinsiya

102 pares nagpalitan ng ‘I Do’ sa Araw ng mga Puso

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

‘Di natinag sa banta ng COVID-19

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Sa kabila ng babala ng pamahalaan na umiwas muna sa mga okasyon at pagtitipon ng maraming tao dahil sa panganib na dulot ng COVID-19, nanaig pa rin ang kapangyarihan ng pag-ibig matapos magpalitan ng “I Do” ang nasa 102 na pares ng magkasintahan sa isinagawang “Kasalang Bayan” sa Araw ng mga Puso sa lalawigang ito at sa Nueva Vizcaya.

Umabot sa 69 pares ang pinag-isang dibdib ng lokal na pamahalaan sa Community Center ng Alicia, Isabela habang 33 pares naman ang nagpalitan din ng “Oo” sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa pagdiriwang ng Valentine’s Day dakong alas-9:00 ng umaga kahapon.

Ang lahat ng gastusin ng 50 na ikinasal sa Alicia kabilang na ang ilang regalo at cash ay ibinigay ng tanggapan ng PAG-IBIG Cauayan Branch na nakabase sa Cauayan City habang ang 19 na iba pa ay sinagot ng LGU.

Samantala, wala rin umanong ginastos ang 33 na ikinasal sa Bayombong matapos akuin lahat ng LGU kabilang na ang ibinigay na giftcheck na nagkakahalaga ng 1,000 bawat isa.

Sinabi ni Mayor Ralph Lantion na maging ang panganganak at kakaila-nganin ng mga sanggol ay ipagkakaloob din ng LGU bilang bahagi ng kanilang serbisyo.

KASALANG BAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with