5 pugante, balik selda
MANILA, Philippines — Limang pugante ang nasakote kamakalawa ng tracking team ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng pulisya matapos silang pumuga sa kanilang selda sa Manjuyod, Negros Oriental noong Lunes.
Sa report ni BJMP Region VII director Jail Chief Supt Paulino Moreno Jr., dalawa sa limang preso na sina Janly Callao at Ronnie Flores ang napilitang lumutang at sumuko sa tulong ng kanilang mga kamag-anak dahil sa puspusang operasyon ng mga awtoridad. Samantalang ang tatlo na sina Joseph Casido, Julan Paculanang at Lito Pedro ay nasakote ng BJMP Region V at Tayasan Police sa serye ng operasyon sa lalawigan.
Ang mga inmates na balik selda ay may kasong rape, murder at illegal drugs.
“The fugitives are now back in jail. Instead of sending them back to Manjuyod District Jail, they will be detained in Bais City Jail and Dumaguete City District Jail,” pahayag ni Moreno.
- Latest