^

Probinsiya

National Schools Press Conference ipinagpaliban dahil sa coronavirus

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
National Schools Press Conference ipinagpaliban dahil sa coronavirus
Naunang pinaghinay-hinay ng Senado si Briones sa mga aktibidad na maisasadlak ang mga mag-aaral sa kumpulan ng maraming tao gaya ng NSPC, pang­rehiyonal na athletic meet at iba pang pagtitipon ng DepEd ngayong Pebrero.
Presidential Photo

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Hindi na muna makakapagtagisan ng talino ang may 7,000 kabataan o campus journalists na lalahok sa National Schools Press Conference (NSPC) mula sa iba’t ibang rehiyon matapos na ipagpaliban ni Education Sec. Leonor Briones ang kompetisyon sa lungsod na ito sa Peb.17-21 dahil sa banta ng novel coronavirus.

Naunang pinaghinay-hinay ng Senado si Briones sa mga aktibidad na maisasadlak ang mga mag-aaral sa kumpulan ng maraming tao gaya ng NSPC, pang­rehiyonal na athletic meet at iba pang pagtitipon ng DepEd ngayong Pebrero.

Dahil dito, binawi na ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang pagsuspinde nito sa klase sa Peb.17 -21 dahil sa aktibidad. Sa halip ay tuloy pa rin ang klase sa nasabing mga petsa.

Nagpahayag din ng kalungkutan si Soriano sa pagbawi ng mga hotel bookings sa lungsod at ang inaasahang matingkad na komersiyo sa kanyang teritoryo dahil sa pagpapaliban ng komperensya. Gayunman, pangunahin pa ring matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan laban sa kumakalat na sakit, dagdag ng alkalde.

JEFFERSON SORIANO

NSPC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with