Ex-pulis na wanted sa pagpatay, timbog
NORTH COTABATO, Philippines - Arestado ang isang dating pulis na may kinakaharap na kasong murder sa inilunsad na Oplan Pagtugis laban sa mga wanted persons ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Field Unit-Bangsamoro Autonous Region (BAR) sa Bimbi Hardware, Valmores Street, Brgy. General Paulino Santos, Koronadal City nitong Biyernes ng hapon.
Ang operasyon ay pinangunahan ni CIDG-BARMM Regional Director P/Col. James Gulmatico at ni Police Major Esmail Madin alas-4:00 ng hapon sa bahagi ng Bimbi Hardware, Valmores Street, Brgy. General Paulino Santos ng nasabing siyudad.
Kinilala ni Gulmatico ang suspek na si ex-PO2 Expedito Villafuerte Enero, 52-anyos, residente ng Brgy. Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao. Si Enero ay may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Annabelle Piang, presiding judge ng RTC, 12th Judicial Region, Branch 15 sa Shariff Aguak, Maguindanao.
- Latest