^

Probinsiya

‘Panagbenga’ kinansela dahil sa coronavirus

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
âPanagbengaâ kinansela dahil sa coronavirus
Sa kanyang abiso sa Baguio City Hall kaha­pon, sinabi ni Magalong na inuuna niya ang kapa-kanan ng maraming tao laban sa banta ng kumakalat na virus na nagmula sa Wuhan City, China.
The STAR/Andy Zapata Jr.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil sa banta ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus o nCoV, nagpasya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kanselahin ang opening parade ng pamosong “Panagbenga Festival 2020” na nagbubuklod ng maraming tao sa kanyang teritoryo na nakatakda sana ngayong Sabado.

Sa kanyang abiso sa Baguio City Hall kaha­pon, sinabi ni Magalong na inuuna niya ang kapa-kanan ng maraming tao laban sa banta ng kumakalat na virus na nagmula sa Wuhan City, China.

Maliban sa opening parade, kinansela rin ni Magalong ang nakatakdang Cordillera Regional Athletic Association (CARAA) Meet at iba pang “high-density population gathering activities” sa susunod na tatlong linggo.

Gayunman, nang tanungin ng PSN kung kasama ba sa kakanselahin ang pangwakas na Grand Float Parade ng Panagbenga sa Feb.29 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao, sinabi ni Magalong na oobserbahan muna ng kanyang pamunuan ang takbo ng sitwasyon sa mga susunod na linggo bago magpasya kung itutuloy o kakanselahin din ito.

Nagpaalala rin si Magalong sa mga ma­ma­mayan na magsa­ga­wa ng precautionary and proactive measures laban sa nCoV.

PANAGBENGA FESTIVAL 2020

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with