2 ‘tulak’ tiklo sa P6.8 milyong shabu
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang kilabot na tulak ng droga matapos na madakip ng mga otoridad na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mismong commercial center ng Mindanao State University sa Brgy. Dimalna, Marawi City, nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Manumbilao Tocalo at Muhajir Usman Samad na nahuli matapos na kanilang pagbentahan ng droga ang isang non-uniformed agent ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM).
Ayon kay Juvenal Azurin, hepe ng PDEA-BARMM na ikinasa nila ang operasyon dakong alas-11:30 ng umaga laban sa mga suspek sanhi ng pagkakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu. Aniya, ang pagkakahuli sa dalawa ay mula sa pakikipagtulungan ng pinagsanib na puwersa ng 103rd Brigade at 82nd Infantry Battalion ng Philippine Army, Marawi City Police, Lanao del Sur Police at Bangsamoro Regional Police Office.
- Latest