Trader kinapos ng oxygen sa scuba diving, tigok!
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang negosyante makaraang malunod sa kalaliman ng dagat habang nagi-scuba diving makaraang maubusan ng hangin ang oxygen tank na dala nito sa isang private resort sa Brgy. Aundano, Island Garden City of Samal (Igacos), iniulat kahapon.
Kinilala ng Igacos Police ang biktima na si Lorynold Pangilinan Posesano, nasa hustong gulang at residente ng Hillside Subdivision, Lanang, Davao City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa 90 talampakan ang lalim ng biktima nang magbigay siya ng senyales sa mga kasamahan na nais na nitong umahon sa ilalim ng dagat sabay pag-agaw sa oxygen regulator ng kanyang mga kasamahan. Agad naalarma at pinagtulungang sagipin ng mga kasama ang biktima at iniahon mula sa dagat.
Mabilis na isinugod ang biktima sa Davao del Norte District Hospital-Samal Zone, pero idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor, dakong alas-6:30 ng gabi nitong Linggo.
- Latest