3 bayan sa Cagayan Valley ‘drug-cleared’
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tatlong bayan mula sa dalawang lalawigan ng Cagayan Valley ang idineklarang “drug-cleared” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region-2, ayon sa ulat kahapon.
Ang mga bayan na drug-cleared ay sa mga bayan ng San Manuel at San Isidro sa Isabela at Santa Ana sa Cagayan, kung saan matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng mga Chinese.
Ayon sa PDEA, ang mga nasabing bayan ay pumasa sa mga parameters sa ilalim ng drug-clearing program ng gobyerno na binusisi naman sa isinagawang assessments ng mga miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program sa pangunguna ng nasabing ahensya sa rehiyon.
Nitong Biyernes lamang ay idineklarang klaro na sa droga ang Santa Ana, Cagayan matapos makumpirma na wala na umanong droga sa mga barangay nito at alinsunod na rin sa mga probisyon na nakapaloob sa Dangerous Drugs Board (DDB).
“When we say drug-cleared, there are no more illegal drugs in the community, no transshipment and no more drug pushers and users,” pahayag ni P/Col. Ariel Quilang, provincial police director ng Cagayan.
Sa tala, umabot na anim mula sa 28 bayan at isang siyudad ang naideklarang drug-cleared sa Cagayan; 10 mula sa 34 bayan at tatlong siyudad sa Isabela; limang bayan ang drug-cleared mula sa anim na bayan sa Quirino; anim mula sa 15 bayan sa Nueva Vizcaya habang ang buong Batanes ang kauna-unahang lalawigan na idineklarang drug-cleared sa buong bansa.
- Latest