‘Rapist’ ng senglot na kasambahay, arestado
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang 26-anyos na obrero matapos isilbi ng mga awtoridad ang kanyang mandamiyento de aresto dahil sa panggagahasa ng lasing na kasambahay sa San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa.
Kinilala ni Police Lt. Colonel Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police ang arestado na si Rogelio Raneces alyas “Noknok” na dinampot sa kanyang lungga sa Brgy. Daang Sarile, Cabanatuan City.
Walang inirekomendang piyansa ang husgado para sa pansamantalang kalayaan ni Noknok, dagdag ni Bruno.
Sa rekord, nasa kalagitnaan ng kanilang laklakan ay sinundan ni Noknok ang biktima na umiihi sa ilalim ng isang puno saka nito sinalakay at matagumpay na isinagawa ang makamundo nitong pagnanasa noong Marso 17 ng nakaraang taon.
- Latest