Trader tiklo sa pekeng P1K
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang nagpa-kilalang negosyante na nagbabayad ng pekeng pera ang dinakma ng mga awtoridad matapos na makapambiktima ng dalawa ring negosyante sa Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa.
Kinilala ng Aritao Police ang nahuling suspek na si Norhana Gumbay, 39-anyos, at residente ng Mexico, Pampanga.
Sa imbestigasyon, unang bumili ang suspek sa negosyanteng si Christina Tadeo, 36, kung saan gumamit ito ng pekeng P1,000 bilang pambayad sa nakuhang karne. Sumunod umanong bumili ang suspek sa isa pang negosyante na si Chersvy Florida at gumamit din ng huwad na salapi.
Agad namang napansin na peke ang pera na ibinayad ng suspek kung kaya’t mabilis na lumapit ang mga tindero sa kagawad ng pulisya na noon ay nagsasagawa ng checkpoint sa bayan.
Mabilis na dinakip ang suspek sakay sa kanyang kotse na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 o Illegal possession and use of false treasury or banknotes.
- Latest