^

Probinsiya

‘Hot logs’ nasabat, 2 arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GENERAL TINIO, Nueva Ecija , Philippines –  Aabot sa 320 board feet ng kahoy na nakasakay sa dalawang kolong-kolong na traysikel ang magkasunod na nasabat ng pulisya na ikinaaresto ng dalawang katao sa Brgy. Rio Chico at Brgy. Concepcion sa bayang ito, noong Martes ng umaga.

Sa ulat ni P/Capt. Gregorio Bautista, hepe ng Gen.Tinio Police, bandang alas-5:50 ng umaga noong Martes nang kanilang parahin ang isang walang plaka na Suzuki X4 125 na kolong-kolong sa Brgy. Rio Chico. Inaresto ang drayber nito na si Alvin Bacani, 26-anyos, binata ng Brgy. Concepcion matapos na walang maipakitang dokumento sa mga kargang 250 board feet na kahoy na nagkakahalaga ng P7,000.

Bandang alas-6:15 ng umaga ay napigilan din ng pulisya ang isa pang Honda 155 motorcycle na kolong-kolong (6228-ZI) sa Brgy. Concepcion. Kanila ring ina­resto ang drayber nito na si Lito Evangelista, 55, may-asawa, isang magsasaka, ng Sitio Pantay, Brgy. Rio Chico, Gen. Tinio, Nueva Ecija matapos na walang maipakitang kaukulang papeles sa sakay nitong 70-board feet na kahoy na nasa P2,000 ang halaga.

Ayon kay Capt. Bautista, ang pagkakahuli sa dalawa ay resulta ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal loggers na patuloy na kumakalbo sa kagubatan na isa sa sanhi ng nararanasang climate change sa buong mundo.

ALVIN BACANI

CAPT. BAUTISTA

GREGORIO BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with