^

Probinsiya

2-anyos natusta sa nagliyab na SUV! Iniwang mag-isa ng kanyang ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2-anyos natusta sa nagliyab na SUV! Iniwang mag-isa ng kanyang ama
Ang biktima ay nakila-lang si Alicia Kaira Aguinaldo na halos hindi makilala matapos na malitson sa loob ng nasunog nilang sasakyan.
File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang si­napit na kamatayan ng isang 2-anyos na batang babae matapos na makulong ng apoy sa loob ng nagliyab na SUV na nakaparada sa tabing kalsada sa Brgy. 24, San Nicolas, Ilocos Norte nitong Lunes ng umaga.

Ang biktima ay nakila-lang si Alicia Kaira Aguinaldo na halos hindi makilala matapos na malitson sa loob ng nasunog nilang sasakyan.

Sa inisyal na ulat ng San Nicolas Police, alas-7 ng umaga nang iwan ng ama ang anak sa loob ng behikulo matapos na ihatid ang isa pa nitong anak na pumasok na sa eskuwela.

Sa pahayag ng ama ng bata sa mga awtoridad, pansamantalang iniwan niya sa loob ng Toyota Revo (XGC-940) ang anak para ayusin ang isa pang sasakyan sa kabilang kanto sa nasabing lugar. Gayunman, bigla na lamang sumiklab ang sunog sa loob ng naturang sasakyan.

Nagtamo ang ama ng mga paso nang subukang buksan ang pinto ng sasakyan pero dahil sa nababalutan na ng apoy ang buong behikulo ay bigo siyang mailigtas ang anak na kasamang natupok.

Ayon naman kay Senior Fire Officer (SFO2) Bolgo Aguinaldo ng Bureau of Fire Protection (BFP), maaaring pinagmulan ng sunog ay ang isang naka-built in na cigarette lighter na posible umanong aksidenteng napindot ng bata bunga ng sobrang kalikutan.

Nabatid na nadamay rin sa sunog ang isa pang van na katabi ng natupok at naka­paradang SUV.

APOY

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with