^

Probinsiya

Jeep sinuwag ng bus: 1 patay, 16 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jeep sinuwag ng bus: 1 patay, 16 sugatan
Sa ulat, dakong alas-2:06 ng hapon tumigil sa tabi ng highway ang pampasaherong jeep (EVR-484) na minamaneho ni Margelino para magbaba ng pasahero.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Isa ang nasawi habang 16 pasahero pa ang malubhang nasugatan matapos na bumangga ang isang bus sa nakatigil na jeepney na magbababa sana ng pasahero sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Bulabog, West District, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang lalaking nasawi na pasahero ng jeep na si Judy Napili Belmonte, 48, ng Brgy. Kalaw, Prieto Diaz, Sorsogon habang ang mga sugatang pasahero na isinugod sa Sorsogon Provincial Hospital ay sina Josephine Jesalva, Abegail Marantal, Lilibeth Geronjo, Justine Jaquilmo Damasco, Lily Habla Jaquilmo, Cecilio Geronio, Noly Sayritan, Joan Arcos, Angelica France, Liza Mae Sarsuela, Marilyn Masinas, Paquito Enclona, Manilyn Ladines, Fe Camar, Elsa Rapuson at ang driver ng jeep na si Noel Mark Margelino, 24-anyos, taga-Brgy. Bucalbucalan, Sorsogon City. Wala namang nasugatan sa mga pasahero ng bus.

Sa ulat, dakong alas-2:06 ng hapon tumigil sa tabi ng highway ang pampasaherong jeep (EVR-484) na minamaneho ni Margelino para magbaba ng pasahero. Gayunman, sinalpok ito sa likurang bahagi ng paparating na Ultra Bus (AAI-9132) na minamaneho ni Santiago Niera Yolip Jr., residente ng Brgy. Atabay, Hilongos, Leyte.

Lumalabas na nag-overtake ang bus sa sinusundan na isa pang bus pero dahil sa bilis ng takbo ay hindi nakontrol ng driver ang manibela kaya sumalpok ito sa jeep.

JUDY NAPILI BELMONTE

JUSTINE JAQUILMO DAMASCO

PRIETO DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with